Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catherine Macasinag Yogi

Galing ni Catherine napansin agad abroad

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGSISIMULA pa lamang gumawa ng pangalan bilang isang international actress ang Filipinang si Catherine Macasinag Yogi ay may awards na agad siyang tinanggap abroad.

Una na rito ang pagwawagi niya sa Japan bilang Mrs. Tourism World Philippines Japan 2021.

Nito namang September 2022 ay ginawaran si Catherine ng Achievement Award sa International Film Festival sa Bangkok,Thailand para sa pelikulang Korona dahil sa kanyang magandang pagganap bilang lead female star. Kapwa ginawaran sina Catherine at ang male lead at direktor ng pelikula na si Mike Magat ng Certification of Appreciation sa naturang awards night.

Nitong October 13 naman ay tumanggap si Catherine ng parangal bilang Honorable Mention sa International Film Festival Manhattan 2022 para rin sa pelikulang Korona. Pareho rin sila ni Mike na ginawaran ng parangal sa gabing iyon sa New York City sa Amerika.

Magkapareha rin sina Catherine at Mike sa pelikulang 7 Days na mula sa TASK Entertainment Productions(producer ng Korona) na malapit na ring ipalabas sa iba’t ibang bansa sa susunod na taon.

Masaya po ako na mapasama sa mga pelikulang ginagawa ni direk Mike Magat sa ibang bansa,” wika ni Catherine.

Si Mike ang tumatayong manager ni Catherine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …