I-FLEX
ni Jun Nardo
BAKASYON-GRANDE sina Maine Mendoza at fiancé na si Cong. Arjo Atayde sa ibang bansa.
Wala kasing nakalagay na location sa Instagram ni Meng sa solo pictures niya naka-post. Solo lang ang post niya.
May nagsabing nasa Amsterdam sila at may sinabing nasa Italy. Pero sa IG stories nito, may kaunting pasilip si Arjo kahit hinahanap sila ng netizens na maglabas ng picture na magkasama.
Pinusuan nga ng soon to be mother in law ni Maine na si Sylvia Sanchez ang isa niyang litrato na mag-isa.