I-FLEX
ni Jun Nardo
COMMENTS section lang ang tinaggal sa Instagram ni Manay Lolit Solis. Pero wala raw bawal sa ipino-post niya basta wala lang libelous.
“Lahat naman ng post ko may consult a lawyer din ako. Waiting na nga lawyer ko kung gusto kong magdemanda para may work! Ha! Ha! Ha!” say ni Manay nang pagkaguluhan siya sa isang presscon.
“Basta ako, post sa gusto kong i-post. Confrontational ako at ayoko ng plastic pero totoo akong tao at hindi bully, huh!” diin pa ni Manay.