Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Ang 2025 midterm elections para kay Imee

SIPAT
ni Mat Vicencio

KABILANG si Senator Imee Marcos sa mga reeleksyonistang mambabatas sa 2025 midterm elections, at tinitingnan ng marami na ang magiging resulta nito ay barometro kung ano ang planong gagawin ng senador sa kanyang political career sa hinaharap.

Mabigat na pagsubok ang papasukin ni Imee sa mga susunod na taon, hindi lamang sa kaliwa’t kanang batikos bilang kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kundi ang mga nakaambang protesta ng mga kalaban na magmumula sa makakaliwang grupo, dilawan at ibang puwersang politikal.

Hindi rin kailangang magtiwala nang lubos si Imee sa kanyang mga kaalyadong politiko sa kasalukuyan dahil ang kanyang mga kakampi sa ngayon ay maaaring tuluyan na niyang maging kalaban sa hinaharap na panahon.

Maging aral kay Imee ang ginawa ni dating Pangulong Digong na sa kabila ng kanilang alyansa at pakiusap ng ilang politiko na suportahan ang kanyang kapatid, ay hindi ginawa at sa halip ininsulto pa at ipinaramdam na si Bongbong ay isang “mahinang nilalang.”

               Malinaw rin ang mensahe sa idinaos na National Assembly ng PDP-Laban sa pangunguna ni Digong nitong Setyembre 29 na talagang desidido silang makopo ang midterm elections sa 2025 at makapaghalal ng maraming politikong kaalyado ng kanilang partido.

Hindi ba ito ang tinatawag na konsolidasyon ng puwersa ng grupo ni Digong bilang preparasyon sa kung sino ang kanilang pambato sa darating na 2028 presidential elections?

Inupakan pa nga ni Digong si Bongbong sa nasabing National Assembly sa pagsasabing… “But the president can be very sure that in the coming days, we will fiscalize. ‘Pag may nakita tayong masama, we will raise our voice because that is the essence of democracy.”

Kaya nga, dapat maging mapagbantay si Imee at laruin nang mabuti ang kanyang ‘baraha’ at paghandaan ang darating na eleksiyon sa 2025 para masigurong papasok siya sa Magic 12, at kung maaari ay maging number 1 sa senatorial race.

Kailangan din gawin ni Imee ang mga adbokasiya o programa na madaling maiintindihan o masasapol ng simpleng mamamayan kabilang na ang mga konkretong tulong na maipapamahagi sa mga naghihirap at nagugutom. Malaking bagay ang magiging resulta ng midterm elections sa 2025 para kay Imee at hindi dapat pakawalan ang pagkakataon dahil malamang ito ang magluklok sa kanya sa kapangyarihan bilang kapalit ng kanyang kapatid na si Bongbong.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …