Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Snow World Manila Halloween

Halloween sa Snow World Manila

HINDI nakatatakot, pero nakagugulat. Ganyan ang sumalubong na Halloween sa mga tao sa Snow World Manilasimula sa linggong ito. Hindi nila talaga ginagawang nakatatakot dahil sa mga bata ang karamihan sa mga pumapasok sa Snow World, bukod nga sa magbubukas naman ng horror attraction ang Star City, para sa mga gusto ng katatakutan talaga.

Ang Halloween sa Snow World ay katuwaan din. May makikita kayong mga bampira, ice zombies, mga mangkukulam at ang legendary snow ghost na si Yukki Onna. Sa mga kuwento, si Yukki Onna ay namatay sa isang snow avalanche sa Japan, at magmula noon nagpapakita siya sa mga naglalakad sa snow lalo na sa gabi, para paalalahanan sila na mag-ingat lalo na at masama rin ang panahon.

Habang ine-enjoy ang Halloween sa Snow World, nariyan pa rin ang 30 metrong ice slide, mas maikli kaysa dati, pero mas ligtas naman. Pinalawak ang snow area kaya pwede nang makapaglaro sa tunay na snow, at maranasan ang totoong snow fall. Kung kayo’y giniginaw na, maaari kayong uminom ng mainit na kape o tsokolate sa mismong Snow World Café na nasa loob ng attraction.

Ang Snow World Manila na kaisa-isang Snow Attraction sa buong Luzon ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo, 12:00 noon hanggang 8:00 p.m..

Ngayon muling magkakaroon ng katuparan ang laging pangarap na makakita ng tunay na snow at magkaroon ng white Christmas, matapos na maghintay na muli ng tatlong taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …