Sunday , September 8 2024
Jasmine So

Jasmine So game mag-nude, ayaw mag-plaster

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HATAW to the max ang Vivamax sexy contract artist na si Jasmine So.

Newcomer pa lang siya pero tatlo na agad ang nagawa niyang project sa Vivamax. Kabilang dito ang Alapaap na proyekto ni Direk Brillante Mendoza, Boso Dos ni Direk Jon Red, at Erotica ni Direk Law Fajardo.

Isang wild na party girl na high sa drugs at lasing na lasing sa club with four other girls ang role niya sa Alapaap. Sa Boso Dos naman ay matapang siyang sumabak sa orgy sex scene.

Ayon sa hottie na talent ni Jojo Veloso, wala siyang keber kung masilip man ang buo niyang katawan, basta kailangan ito sa pelikula.

Aniya, “Pagdating sa paghuhubad sa movies, game ako riyan, game akong mag-nude, na kahit makita pa buong katawan ko ay okay lang, and I don’t use plaster dahil uncomfortable ako and masakit iyon, e,”

Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy o sa paghuhubad sa pelikula?

“No limits po, pero hindi naman to the point na porn na ang dating. I can show my body, I’m proud of it naman, but hindi to the point na parang porn na ang datingan, hahaha!” Nakatawang sambit ni Jasmine.

Nabanggit din niya kung sino ang iniidolong aktres na wish sundan ang yapak.

“Si Jaclyn Jose po. Pangarap ko rin kasi na magkaroon ng Best Actress award na gaya niya, na nag-start sa showbiz na sexy… then nag-evolve to one of the best actress sa showbiz,” pakli ni Jasmine.

About Nonie Nicasio

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, …