Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
De Lima Camp Crame HOSTAGE

Pulis at Sen De Lima hinostage…
PULIS AT TATLONG PRESO TODAS SA KAGULUHAN SA LOOB NG CRAME!

KUMAKALAT ngayon sa isocial media ang naging pagresponde ng kapulisan sa naganap na kaguluhan kung saan nagtangkang tumakas ang ilang preso at hinostage umano ang isang Pulis at ang nakakulong na dating Senador Leila De Lima sa loob mismo ng Maximum Compound PNP Custodial Center 3 kaninang umaga.

Base sa ulat, 6:30AM sa mapayapang araw ng linggo ay sumiklab ang kaguluhan kung saan tinangkang ihostage ng tatlong kilabot na preso na sina Arnel Cabintoy, Feliciano Sulayas at Adbuljahid Idang Susukan ang isang Pulis na Pcpl Agustin sa oras ng pagrasyon ng pagkain sa loob ng kulungan.

Nagmataan ng isa pang bantay na Pulis na si pCpl Matis ang komosyon at nakita nitong sinaksak si Pcpl Agustin dahilan ng pagaksyon na ikinasawi nina Cabintoy at Susukan.

Tumakbo naman si Sulayao papasok ng custodial facility ni De Lima at hinostage ang dating Senadora.

Sa pag responde ng SAF Quick Response Team ay napatay si Sulayao nang hindi makiisa sa negosyasyon.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital si Agustin at wala namang tinamong sugat si De Lima na kapwa sasailalim sa  medical at kinakailangang Psychological attention.

Kaugnay nito, Magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa naganap na kaguluhan sa loob ng Maximum Facility ng PNP Crame.

Naglabas rin ng ulat ang Malacanang kung saan ipinaguutos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang pagpapaigting ng seguridad upang matiyak na walang maganap na anumang kaguluhan sa mga detention centers tulad nang naganap sa Kampo Krame sa Quezon.

Nabatid na isang linggo nakaraan ay mahigpit nang binabantayan ng mga magigiting na Specail Action Force(SAF)ang paligid ng Camp Crame, alinsunod umano sa direktiba ni CPNP General Rodolfo Azurin Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …