Wednesday , August 6 2025
Kyline Alcantara Mavy Legaspi

Mavy kay Kyline — gusto ko siyang proteksiyonan at ayaw ko siyang masaktan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest vlog naman ng magkasintahang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naging open ang una sa pagkukuwento kung kailan niya naramdaman na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa huli.

The first time na na-realize ko na hindi lang kaibigan si Kyline para sa ’kin is ‘yung nagiging close na tayo (Kyline) sa AOS (All Out Sundays),” simulang sabi ni Mavy.

Pagpapatuloy niya, “Umalis na si Cassy (Legaspi, kakambal niya) para mag-prep for ‘First Lady’ and all that. Tayo na lang naging close kasi umalis na si Migo (Adecer), nangibang bansa.

“Tapos there was a time na kami ni Ky, medyo awkward noong una kasi galing tayo sa apat, eh.

“After that mas nagiging close and all that tapos siyempre nag-ha-heart to heart [talk] na. You (Kyline) always open up to me about everything. As in everything.

“And during those times mas na-realize ko na ‘Shocks, I really want to protect this girl,’ iba na talaga ‘yung feeling. Hindi ‘yung protect her as my friend. But iba na ‘yung pagmamahal ko sa kanya na I don’t want anyone to ever hurt her again.

Kapag may mga issue ka, nahe-hurt din ako, two times, three times for you. If you’re going through something, nahe-hurt din ako. Roon ko na-realize na shocks, iba na talaga ‘yung feeling na ‘yun,” pag-amin pa ni Mavy.

Kapag nakikita kita anytime we have work, nag-i-slow mo ka. Madalas siya nangyayari sa stage (ng All Out Sundays) kapag lumalabas ka. ‘Yan ‘yung slow mo moment ko. At nasasabi kong, ‘Shocks, tumitibok na ‘yung puso ko,’” sabi pa ng aktor.

Talagang tinamaan pala si Mavy kay Kyline, huh! Syempre, kinikilig naman si Kyline sa rebelasyon ng boyfriend.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Carla Abellana

Carla nakikipag-date na

MA at PAni Rommel Placente MAY bago na pa lang idine-date si Carla Abellana. Ito ang …

Pokwang

Pokwang absent sa Gala: Gagastos ka na lalaitin ka pa

MA at PAni Rommel Placente NO show si Pokwang sa naganap na GMA Gala 2025 last Saturday, August 2, …

Stell Pablo SB19 Zack Tabudlo at Ben n Ben Julie Anne San Jose Billy Crawford

Stell at Pablo papalitan nina Zack at Ben & Ben sa The Voice Kids Phils

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA nalalapit na The Voice Kids Phils., hindi na makikitang uupo bilang …

Roderick Paulate Mudrasta

Kuya Dick disenteng komedyante

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG nakaaaliw ang trailer ng Mudrasta. Siyempre naman, isang Roderick Paulate ba naman ang …

Jun Miguel Talents Academy

Direk Jun thankful nominasyon sa 37th Star Awards TV

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful  ang director/producer na si Jun Miguel dahil sa  nominasyong nakuha ng Talents Academy na …