Friday , May 9 2025
Gene Juanich Once On This Island

Gene Juanich mapapanood sa Broadway musical na Once On This Island

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRANG tuwa ng singer/songwriter na si Gene Juanich dahil bahagi siya siya sa CDC Theatre’s regional Broadway production ng Tony Award winning musical na Once On This Island na mapapanood sa October 7 – 22, 2022 sa CDC Theatre, New Jersey, USA.

Nanalong Best Revival of a Musical sa 2018 Tony Awards, ito’y mula sa panulat ni Lynn Ahrens at musika ni Stephen Flaherty. Ang original Broadway production ay ipinalabas noong 1990 at ang Broadway revival naman ay ipinalabas noong 2017 na ang Broadway Diva na si Ms. Lea Salonga ay gumanap na Goddess of Love na si Erzulie. Si Gene ay gaganap sa role ni Tonton Julian, isang adoptive father ni Timoune, ang bida sa musical. Ang role ni Tonton ay ginampanan ng Grammy Award nominee na si Phillip Boykin noong 2017 sa Broadway revival nito.

Ipinahayag ni Gene ang ‘di malilimutang experience rito. “Nakakakaba ang audition process at hindi uso ang paggamit ng minus-one or tracks dito. Kailangan mo ng music sheet ng iyong kakantahing audition piece, na tutugtugin ng kanilang pianista. Grabe ang disiplina, ang pagsasanay at commitment sa rehearsals sa Broadway musical, grabe ang daming mini-memorize, songs/music, lyrics, acting, choreography, blocking, exits, entrances… sobrang saya, kaya hindi mo mapi-feel ang pagod kasi nag-eenjoy ka sa ginagawa mo.

 “Ako lang ang nag-iisang purong Pinoy sa cast, halos karamihan sa cast ay mga African-Americans or “colored” kasi ang setting ng musical ay sa Caribbean Island. Nagpapasalamat ako sa aming sobrang galing na director na si Howard Whitmore sa pagpili sa akin na gampanan ang role ni Tonton at sa buong cast ng musical dahil sa sobrang suporta nila sa akin, pati sa aking talent manager na si Vicente Gahon Gesmundo sa  suportang ibinibigay sa aking singing career sa New York. Salamat din sa CEO at founder ng TOFA awards na si Elton Lugay at kay Rasmin Diaz sa tiwala at sa mga oportunidad sa larangan ng pag-awit.”

Last year, si Gene ay nakapag-release ng kanyang second single na Puso Ko’y Laan, isang duet kasama si Michael Laygo.Si Gene ay in-house performer ng the Outstanding Filipino Awards o TOFA awards sa New York City at nag-compose ng official themesong ng TOFA na Philippines Pride in America. Noong Nob 2021 nakasama si Gene sa Rodgers and Hammerstein’s Cinderella, The Musical sa Kweskin Theatre, Connecticut, USA.

Ang Once On This Island ay mula sa musical direction ni Kyle Blackburn, choreography ni Phillip Solomon, stage manager ay si Bobby Devarona, at sa direksyon ni Howard Whitmore. Mabibili ang tickets sa kanilang website na, http://www.cdctheatre.org/once-on-this-island.html

About Nonie Nicasio

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …