Monday , July 8 2024

Hindi pala sanay magsinungaling si Senator Franklin Drilon?! (Buking kaagad!)

00 Bulabugin
KUNG mayroon mga opisyal ng gobyerno na walang kurap kung magsinungaling (ang ibig kong sabihin ‘e ‘yung hindi ninyo mahahalatang nagsisinungaling dahil talagang hindi gumagalaw ang mga mata at kayang makipagtitigan sa kausap niya) ‘e meron din naman palang madaling mahuli dahil hindi CONSISTENT ang mga sinasabi.

Gaya na lang nga nitong si Senate President Franklin ‘dribol’ este Drilon.

Noong unang naglabasan ang photo niya katabi si Janet Lim Napoles sa isang photo op, tigas na tanggi ni Senator dribol ‘este’ Drilon na kilala niya si Janet Lim Napoles o kung sino man sa pamilya nila.

Dahil public figure raw sila, marami raw talaga ang gustong magpakuha ng picture katabi sila.

Gano’n ba?

E ano ‘tong bagong photo na magkakasama sila ng mag-asawang Napoles at ng misis niya?!

Ano ba naman, Senator ‘dribol’ este Drilon, magsisinungaling ka rin lang naman ‘e hindi mo pa hinusayan?!

‘E mantakin mong magkasama pala sa kanilang mga aktibidad sa mga pari  ang misis mo at si Janet ‘PDAF’ Scam?     Tapos sasabihin mong hindi kayo magkakilala?

Hindi po talaga bagay sa iyo ang magsinungaling ‘e kasi ba naman huling-huli ka sa kasinungalingan mo!

Mahirap talagang makipag-usap sa mga politiko.

Napakahuhusay nilang magsinungaling at magtakip ng kasinungalingan.

Sino pa kaya ang mga politikong may lulutang na ‘retratong’ nagpapakita ng asosasyon nila kay Napoles?!

Abang-abang lang po, dear readers kapag may time … dahil t’yak marami pang maglalabasan …

Abangan natin kung tama ang memorya ni Pangulong NOYNOY na wala silang retrato ni Napoles …

O ‘yung mga may retrato kasama si Napoles…kabahan na kayo riyan!

GUN BAN INUTIL SA ‘DRAMA’ NI NUR MISUARI

AYAW natin maliitin ang kakayahan ni Col. Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Si Misuari ay isang Moro leader na ilang ulit nang nanindigan para sa kapakanan ng Mindanao. Kaya naman nagtataka tayo kung bakit ang isang prinsipyadong katulad niya ay maimpluwensiyahan ng iilan na gusto laging may giyera sa Mindanao dahil pinagkikitaan nila sa maraming aspekto.

Logistics gaya ng baril, bala, at iba pang uri ng armamento. Sino ang nagsusuplay n’yan sa MNLF?

Itanong ninyo kina dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating NICA chief Joe Almonte, sila ang mga eksperto d’yan.

Pwede rin kina dating Senate President Johnny Ponce Enrile at Senator Gringo Honasan, malakas nag pang-amoy nila d’yan!

Pero ang ipinagtataka natin, bakit hindi UMEEPAL ngayon si Commission on Elections (Comelec) Chairman SIXTONG ‘este’  BRILLANTES?!

Hindi ba’t may COMELEC GUN BAN na?

‘E bakit hindi siya mismo ang pumunta roon sa ZAMBOANGA para hulihin si MISUARI?!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin. Doon sa mga legal na aplikante na kumukuha ng COMELEC GUN BAN exemption ‘e hindi ninyo inaaprubahan.

Ganoon din sa PNP, pahirapan magbigay ng permit to carry outside residence.

Pero bakit d’yan sa Mindanao, sandamakmak na ang mayroong armas (loose firearms) d’yan pero mukhang inutil lang ang GUN BAN ng COMELEC at PNP?!

INCONSISTENT talaga si Chairman Brillantes at PNP!

Kaya maraming nalilito sa mga patakarang inilalabas ninyo kaugnay ng eleksiyon kasi kayo mismo ang BUMABALI!

Tanganan mo naman ang BAYAG mo Chairman Sixto!

Ay sus!

BOY KORKWERA AT TOTO LAKSON HUMAHATAW PA DIN SA PASAY CITY

WALA pa rin palang tigil ang OPERASYON ng 1602 nina BOY KORKWERA at TOTO LAKSON sa Pasay City.

Matapos magpa-FREE FOR ALL ang KAMAGANAK Inc., sa lahat ng operator ng 1602 at magkanya-kanyang PATONG at PAYOLA ‘e mukhang imbudo na kina BOY KORKWERA at TOTO LAKSON ang operasyon ng 1602.

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalis ang NGITI sa labi ng KAMAGANAK Inc.

Anong Sey mo, Mayor Tony Calixto at Kernel Llorca?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Alexis Castro Bulacan

POGO bawal sa Bulacan

NAGHAIN ng mungkahi ang ika-11 Sangguniang Panlalawigan ng Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Vice …

Navotas

300 plus trainees nagtapos sa tech-voc skills sa Navotas

UMANI ang Navotas ng mahigit 347 skilled workers na nagsipagtapos sa Navotas Vocational Training and …

gun ban

Alyas Boy Bakal at alyas Tukmol hoyo sa boga

KAPWA rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos makuhaan ng hindi lisensiyadong baril …

shabu drug arrest

Sa Navotas  
BEBOT NA TULAK KULONG SA P35K ILEGAL NA DROGA

ISANG babaeng hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang inaresto matapos bentahan ng …

070824 Hataw Frontpage

2 AWOL na police, iba pa arestado  
KAPAMPANGAN BEAUTY, ISRAELI FIANCÉ PINATAY

ni MICKA BAUTISTA MALUNGKOT man tinanggap ng pamilya ng nawawalang beauty contestant na si Geneva …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *