Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P314-M shabu kompiskado sa 3 Chinese national

091013 shabu nbi
P314-M SHABU NASABAT NG NBI. Iprinesenta sa media nina NBI Deputy Director Ruel Lasala at NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda ang 62 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P314 milyon na nakompiska mula sa tatlong Chinese nationals na sina Ong Tsen Siong alyas  Jackie Lopez Sun, William Uy,  Lee Chuan Chiat, at Sy Tian Kok sa pagsalakay ng mga awtoridad sa #704 ,7th floor ng Cathay Mansion sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila. (BONG SON)

UMABOT sa P314-milyon  halaga ng shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naarestong tatlong Chinese  national sa isang shabu laboratory  sa Tondo, Maynila.

Iprinisinta kahapon ang mga suspek na sina Ong Tsen Siong alyas Jackie Lopez Sun at William Uy,  Lee Chuan Chiat at Sy Tian Kok.

Ayon kay Deputy Director Ruel Lasala, isang buwan nang isinailalim sa surveillance ang shabu drying station cum warehouse sa condominium unit na matatagpuan sa 704 7th floor ng Cathay Mansion, Mayhaligue St., Tondo, Maynila.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI hinggil sa mga ilegal na aktibidad ng mga suspek sa lugar kaya nang makompirmang positibo ay agad na  nag-apply ng search warrant ang ahensya.

Ang pagkakadiskubre sa shabu dryimg station sa Mayhaligue St. ay bagong modus operandi sa pagdadala ng shabu sa bansa mula sa China kung saan inilalagay ito sa aluminum foil tea bags.

Naniniwala ang NBI na ang mga shabu sa aluminum tea bags ay dinala sa bansa sa pamamagitan ng shipment at idineklara  itong Chinese tea commodities o Chinese medicine.

Nakikipag-ugnayan naman ang NBI sa Bureau of Customs (BoC) upang malaman kung sino ang nasa likod ng shipment at ang consignee nito.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2 Cagayan Aglipay

Gov. Aglipay thanks DOST for innovations providing opportunities to Cagayanos

Governor Edgar Aglipay expressed his heartfelt gratitude to the Department of Science and Technology (DOST) …

DOST 2 Cagayan

DOST launches innovation and agriculture hubs in Cagayan

TUGUEGARAO CITY — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with the Provincial …

Institute for Climate and Sustainable Cities ICSC

Sigalot sa Middle East naglantad ng kahinaan ng PH sa langis  
Renewable energy itinutulak bilang solusyon

ni Teddy Brul BINIGYANG-DIIN ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na kailangang palakasin …

Philip Conrad Acop Comelec

Anak ng namayapang Rep. Acop wagi sa special poll sa Antipolo City

IPRINOKLAMA si Philip Conrad Acop, anak ng yumaong si Rep. Romeo Acop, na dati rin …

031626 Hataw Frontpage

Kuwintas pinitas
SECURITY ESCORT NI MAYOR ISKO, TODAS SA RIDING IN TANDEM

HATAW News Team PATAY ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso …