Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloe Barreto Sean de Guzman

Sean at Cloe tumaas ang level ng acting

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BUYANGYANG man is the name of the game, sigurista ang big boss ng 3:16 Media Networks na si Len Carillo, na hindi lang ang mga katawan ng alaga niya ang mapapansin kundi ang akting ng mga ito sa roles na iniatang sa kanila.

Aalagwa na sa August 12, 2022 sa Vivamax ang The Influencer na pinagbibidahan nina Sean de Guzman at Cloe Barreto.

Pinansin ang akting ng dalawa sa Louie Ignacio project. Kasi nga, umangat na raw o tumaas na ang level ng pag-arte nila sa harap ng kamera.

Dahil nga siguro silang dalawa na ang bida sa pelikula kaya, pinag-igihan ant ibinuhos nina Cloe at Sean ang lahat ng kanilang nalalaman sa mga katauhang ginampanan nila.

Iyakan ba? Mukha ngang gamay na ni Cloe ang mga papel na may pagka-mentally derailed ang personalidad ng katauhan niya.

Aksyon? Gamay na rin ni Sean ito. Pero mas tinitingnan ang karakter na sinasakyan niya.

Dito sa The Influencer, inilabas ng kinakitaan na sa husay sa pagiging isang scriptwriter na si Quinn Carillo, ang likot ng utak niya sa mga katauhan ng mga bida.

Ang influencer. Ang stalker.

Ang karumihan ng larong pinili nilang pasukin.

Malinis ang paggawa ni direk Louie sa proyekto. Kaya napuri rin ang camera works nito.

May gustong ibahagi sa lipunan o sa manonood ang pelikula.

Kung ang mga lalaki ba, na magiging biktima rin ng pang-aabuso eh nabibigyan din ng hustisya sa kanilang inirereklamo?

Nakaiintriga naman kasi ang twist na ginawa ni Quinn sa kanyang istorya. 

Pero tatanggapin ba natin na ganoon na lang ‘yun? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …