MATABIL
ni John Fontanilla
PINURI ng mga nakapanood ng advance screening ang pelikulang Scorpio Nights 3 ng Viva na pinagbibidahan ni Christine Bermas. Mahusay kasi ang pagkakaganap nito sa pelikula.
Bukod sa husay nitong umarte, wala rin itong takot at game na game sa mga mapupusok na eksena. Wala rin itong kiyeme sa pagpapakita ng kanyang maseselang parte ng katawan.
At sa lahat nga ng ipinalabas na version ng iconic at classic movie na Scorpio Nights, ang version ni Christine ang pinaka-bongga at pinaka-maraming sex scenes. Ang unang version ng Scorpio Nights ay pinagbidahan ni Ana Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando.
Bukod kay Christine, mahusay din ang pagkakaganap ni Mark Anthony Fernandez at ni Gold Aseron na parehong game na game sa sex scenes.
Kung ilang beses nagpakita ng kahubdan si Christine, hindi naman nagpatalo sina Mark Anthony at Gold na parehong nag-frontal na tiyak aabangan ng mga kabadingan na manonood ng movie.
Kaya naman nakatitiyak na ‘di mabibitin at talaga namang mag-eenjoy ang mga kalalakihan at mga kabaklaan kapag napanood ang Scorpio Nights 3 dahil sa napakaraming sex scenes nina Christine, Mark Anthony, at Gold.
Ang Scorpio Night 3 ay mula sa panulat ni Roy Iglesias at idinirehe ni Lawrence Fajardo. Napapanood na ito ngayon sa Vivamax.