Monday , August 15 2022
Vince Tañada Katips Lorenzo Tañada

Tanada laban kung laban

MATABIL
ni John Fontanilla

WALANG takot na binangga ng award-winning writer and director na si Vince Tañada ng pelikulang Katips ang Maid in Malacañang ni Darryl Yap na parehong ipapalabas sa Agosto 3.

Inamin ni Vince na sinadya niyang itapat ang kanyang pelikulang Katips: The Movie sa   Maid in Malacanang ni Darryl.

Aniya, Nilabanan ko talaga ‘yung ‘Maid in Malacañang.’” 

 “Sabi ko, now is the time, kasi this is about the truth and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law,” sambit pa ni Vince.

Aniya, marami ang mga bumabatikos sa kanya at nagtatanong kung na-experience   ba niya ang buhay noong kasagsagan ng Martial Law.

Pag-amin niya, sandamakmak ang kanyang bashers, “Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law? 

“When I was born in 1974, eh ‘di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated.

“Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo’t alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n’ya.”

Hindi rin takot si Atty. Vince sa magiging resulta ng kanilang pelikula sa takilya lalo na’t biglaan ang pagpapalabas muli nito sa mga sinehan. “Hindi kami takot sa kalalabasan ng pelikula namin dahil simple lang ang kuwento nito tungkol sa mga simpleng tao na nabubuhay noon. Wala kaming mga clip sa YouTube o kung anuman.” 

About John Fontanilla

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …