Friday , November 15 2024
‘Flush valves’ gang umiskor sa NAIA

 ‘Flush valves’ gang umiskor sa NAIA

NASORPRESA ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa nakawang nangyari sa mga pampublikong palikuran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pitong flush valves ang nawala nitong buwan ng Abril at Hunyo, sa taong ito.

Ayon sa MIAA media affairs, limang flush valves ang nai-report na nawawala noong 4 Abril 2022 sa NAIA Terminal 2 public toilets.

Nadiskubre rin na dalawang flush valves ang ninakaw nitong 15 Hunyo 2022 sa palikuran ng NAIA Terminal 1.

Naging palaisipan sa airport authorities ang pagdekwat sa mamahaling uri ng flushers.

Napag-alaman mula sa media affairs na ang missing parts ng palikuran ay nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa kung brand new,  at alam ng magnanakaw ang totoong halaga o value ng kagamitan na maaaring maibenta sa junk shop ng kalahati sa orihinal na presyo.

Inatasan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang Airport Police Department (APD) na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy ang mga suspek at masampahan ng kaukulang kaso.

Dahil sa insidente, may inilabas na implementasyon ang sanitation ng NAIA na mahigpit na pinagbabawalan ang building attendants na naka-assign sa bawat palikuran ng NAIA na magsabay-sabay sa meal break upang hindi masalisihan ng mga kawatan.

Batay sa APD source, hindi ito ang kauna-unahang pangyayari na may nawalang US-made flush valves sa mga palikuran ng NAIA terminals. 

May mga report na nangyaring nakawan ng toilet flushers noong nakaraang taon dahil marahil sa halaga nito. (RR)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …