Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Fontanilla Migs Almendras

Ejay at Migs, mainit ang tikiman sa high on sex

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

EXCITED na kabado ang bagong Vivamax artist na si Ejay Fontanilla nang nabanggit niya ang love scene nila ni Migs Almendras sa seryeng High On Sex na palabas na ngayon sa Vivamax.

“Saturday night na lalabas ‘yung bedscene ko with Migs, kinakabahan ako Kuya, hahaha! Actually, early Sunday mapapanood na ito,” nakatawang saad ni Ejay.

Mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro, ang serye ay tinatampukan nina Wilbert Ross, Denise Esteban, Angela Morena, Kat Dovey, at iba pa.

Aminado si Ejay na napasabak sa kakatwang bed scene rito with Migs.

Aniya, “May bed scene kami ni Migs dito at daring siya in a way na sexy-comedy. Pero, nakahubad talaga kami with plaster.

“Si Migs dito, fluid siya, he’s exploring his sexuality. Puwede siya sa lesbian, girl, bakla at boy. Sa scene namin ako ‘yung gay, parang BL ‘yung scene namin.”

Aniya, “Si Wes (Migs), at first ay hindi ko siya type, kasi akala ko straight. Pero noong nakita ko ang pitik niya sa isang scene namin, ayun, bet ko pala siya. Kaya sabi ko may chance, hahaha! Kaya nangyari ang scene namin.”

Nakatawang dagdag niya ukol kay Migs, “He’s very professional. Three times kami nag-rehearse sa bed scene para ‘pag take at mismong hubad na, isang take lang. Nakatatawa lang ‘yung take na kunwari i-BJ ko na siya, e gumagalaw na ulo ko pero may short pa siya. Kaya tinapik n’ya ako, at sinabihan na hindi ko pa hinubad ‘yung short niya, sumusubo na raw ako, hahaha!”

Nabanggit din ni Ejay na professional katarabaho si Migs.

“Mabait si Migs, tinuturuan din n’ya ako sa accent ko sa English kung paano ko i-deliver ‘yung word na ‘yun,” nakangiting sambit ni Ejay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …