MATABIL
ni John Fontanilla
MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul Raman, at Shaun Salvador na hatid ng Tyronne Escalante Artist Management in partnership with Merlion Events Production Inc..
Ang TOLS ay istorya ng magkakapatid na sina Uno, Dos, at Third na nagkahiwa-hiwalay noong mga bata pa at bang lumaki ay muling nagkasama-sama at nagtayo ng TOLS Barbershop.
Ang TOLS ay ang muling pagbabalik-telebisyon ni Shaun na huling napanood sa Parangnormal Activitybago ito nag-lie low sa showbiz at nag-concentrate sa kanyang pag-aaral. At ngayong tapos na ito sa pag-aaral ay nagbabalik showbiz na.