Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Shaun balik-showbiz ngayong tapos na sa pag-aaral

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAPIT nang mapanood ang kauna-unahang sitcom sa GTV, ang TOLS na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda, Abdul Raman, at Shaun Salvador na hatid  ng Tyronne Escalante Artist Management in partnership with Merlion Events Production Inc..

Ang TOLS ay istorya ng  magkakapatid na sina Uno, Dos, at Third na nagkahiwa-hiwalay noong mga bata pa at bang lumaki ay muling nagkasama-sama at  nagtayo ng TOLS Barbershop.

Ang TOLS ay ang muling pagbabalik-telebisyon ni Shaun na huling napanood sa Parangnormal Activitybago ito nag-lie low sa showbiz at nag-concentrate sa kanyang pag-aaral. At ngayong tapos na ito  sa pag-aaral ay nagbabalik showbiz na.