MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI ang natuwa nang ma-extend pa ng another three years sa kanyang panunungkulan bilang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP si Liza Dino-Seguerra.
Well deserved naman si Chair Liza para sa nasabing posisyon sa sobrang sipag at grabeng pagmamahal nito sa pelikulang Filipino. At para na rin mas mabigyan pa ng kaukulang atensiyon at mangyari ang mithiin nitong makilala at maka-penetrate sa buong mundo ang pelikulang Pinoy.
At sa kanyang re-appointment ay tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng magagandang proyekto katulad ng PeliKULAYa na kasabay na rin ng Pride Party bilang bahagi ng LGBTQIA+ Film Festival mula June 10 hanggang 26. May temang Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay.
Kasabay din ng 20th anniversary ng FDCP, “a total of 50 local and international films co-presented by partner embassies and organizations will be screened online and onsite as part of this year’s festival line-up,” ani Dino.
Ilan sa mga Pinoy movie na tampok sa Pelikulaya 2022 ay ang Manila by Night (Ishmael Bernal), Ang Tatay Kong Nanay (Lino Brocka), Esoterika: Maynila (Elwood Perez), Markova: Comfort Gay (Gil Portes), at Big Night! (Jun Robles Lana), Gameboys The Movie (Ivan Andrew Payawal), Kasal (Joselito Altarejos), Billie and Emma (Samantha Lee), Memories of Forgetting (Joselito Altarejos), Traslacion (Will Fredo), at Pink Halo-halo (Joselito Altarejos).
Ang mga nabanggit na pelikula ay mapapanood sa FDCP Channel ng Spectra Pelicula segment, may face to face screening din sa FDCP Cinematheque Centres (Manila, Iloilo, Davao, Negros at Nabunturan), Metropolitan Theater, at Cinema ‘76-Anonas.