Monday , July 28 2025
Alma Concepcion

Alma todo-todo ang suporta sa LGBTQIA

RATED R
ni Rommel Gonzales

TODO ang suporta ni Alma Concepcion sa mga miyembro ng LGBTQIA+.

“Kasi napapansin ko, even my brother who’s gay, napapansin ko lahat ng mga kaibigan niya, lahat productive, lahat successful, so nawawala na ‘yung… mali na ‘yung stigma noon na if you’re gay, kawawa ka naman.

“Nababago na ‘yun. Actually marami ngang businesses na tina-target ang mga single eh, kasi they’re the spending crowd, ‘di ba?

“So sila ‘yung ano, sila ‘yung powerful, very powerful ang LGBTQIA when it comes to economy kasi sila ‘yung spending.

“Kaya malaking empowerment ito, malaking opportunity, at saka hindi limitasyon ang gender mo to do whatever you like.”

Maging ang pagsali ng mga lesbian sa mga beauty pageant tulad ng Miss Universe Philippines ay pabor si Alma.

“If you wanna compete, if you wanna be a parent, if you wanna shine in whatever career, kahit ano ka pa, kahit anong gender mayroon ka, it’s a, kumbaga hindi na dapat isinasali ‘yung sexual preference mo when it comes to excellence.

“If you’re very good at what you’re doing ‘di ba, hindi na dapat kinukuwestiyon what you’re doing in your bedroom,” seryosong pahayag pa ni Alma.

Kasama si Alma sa cast ng False Positive na bida sina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Sa direksiyon ni Irene Villamor, second lead dito sina Herlene ‘Hipon Girl’ Budol at Buboy Villar. Ito rin ang first major TV role ni Herlene.

Kasama rin sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Dianne dela Fuente, at si Ms. Nova Villa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

MATABILni John Fontanilla GRAND champion sa katatapos na Dance Kids 2025 na ginanap sa Riverbank  Marikina ang 12 …

Alice Dixson

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng …