MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI man kahabaan ang role na ginampan ni Sarah Javier sa pelikulang Ang Bangkay, markado naman ito at napansin ng mga nanood sa ginanap na premiere night sa Shangrilla Plaza Cinema kamakailan.
Ang pelikula ay pinagbibidahan at idinerehe ni Vince Tanada at mula sa sarili niyang produksiyon.
Si Sarah ang yumaong asawa ni Segismundo Corintho na nagmamay-ari ng isang punerarya na nagmumulto dahil may ibig ipahiwatig sa kanyang may naiwan para sa kanya.
Nagpapasalamat si Sarah sa kanyang director at producer dahil isinama siya sa pelikula.
Kasama rin sa pelikula sina Vince, Mercedes Cabral Vean Olmedo, John Rey Rivas,, Lili Montelibano, at Juan Calma.