Wednesday , December 25 2024
Zambales vice governor inasunto CHILD ABUSE SA 3 PASLIT, SLANDER SA AMA

Zambales vice governor inasunto
CHILD ABUSE SA 3 PASLIT, SLANDER SA AMA 

SUBIC, Zambales – Dumaranas ngayon ng trauma at labis na pagkatakot ang tatlong paslit makaraang pagsisigawan sa kanilang harapan ang kanilang ama ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun at pinagbantaang ipakukulong, kamakailan.

Bunsod nito, at sa takot para sa sariling kaligtasan, nagsampa ang ama ng kasong paglabag sa Section 359 ng Revised Penal Code at Section 10(a) ng Republic Act 7610,  may kinalaman sa paninirang puri (slander), at iba pang uri ng pang-aabuso, kalupitan at iba pang karahasan laban sa bata, ayon sa pagkakasunod.

Sa sinumpaang reklamong salaysay, ni Francisco Mas, Jr., ng Barangay Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales, inireklamo niya si Zambales Vice Governor Khonghun, kumakandidato bilang congressman sa unang distrito ng lalawigan.

Batay sa salaysay, noong umaga ng 25 Abril 2022, nagmamadaling umalis ng bahay si Mas sakay ng kanyang motorsiklo upang pumasok sa kanyang trabaho sa munisipyo ng Subic bilang maintenance  personnel. Agad siyang  nagtungo sa Subic Gym.

Napag-alaman niyang nasa naturang gym si Vice Gov. Khonghun at kapulong ang buong partido ng Khonghun Team.

Nang matapos ang pulong ay lumabas ng gym ang opisyal at napansin umano nito ang isang political sticker na nakadikit sa kanyang motorsiklo.

Iyon din umano ang unang pagkakataon na nakita ni Mas ang sticker.

Ipinatawag ni Khonghun si Mas at nang makalapit ay agad umanong dinuro ng opisyal at may panggigigil na pinagsisigawan  ng “Ipakukulong kita! Namumulitika kayong mag-asawa. Sumasama kayo sa pa-meeting ni Maningding (tumatakbong mayor sa Subic).”

Sa pagpapatuloy ng ngitngit at pagsisigaw ng opisyal, tinangka umano ni Mas na ipaliwanag na walang katotohanan ang kanyang mga paratang, kasabay ang paghingi ng tawad.

Binanggit din niya ang tungkol sa kanyang maliliit na anak.

Ngunit tanging malakas na, “Wala akong pakialam sa mga anak mo!” ang isinagot ni Khonghun saka umalis. At noon lamang umano napansin ni Mas ang mga umiiyak na anak at bakas ang takot sa mga mukha nito.

Sinabi ni Mas, mula nang maganap ang insidente, hindi na umano siya nakapasok sa trabaho dahil sa banta na ipakukulong ni vice governor Khonghun.

Samantala, ang mga anak naman ay labis pa rin ang  takot at ayaw nang lumabas ng bahay, hindi makatulog at hindi makakain nang maayos.

Wala pang pahayag ang tanggapan no Khonghun hinggil sa reklamong inihain laban sa kanya. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …