Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolina Magdangal

Jolina suportado ang masipag na lider na si Leni Robredo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


MALAKI ang paniwala ni Jolina Magdangal na kaya ni Vice President Leni Robredo na bigyan ng magandang buhay at maraming oportunidad ang mga Filipino kapag  nahalal ito bilang pangulo.

Sa isang video nagpahayag ang singer/aktres ng  suporta sa kandidatura ni VP Leni bilang pangulo, ibinahagi ni Jolina na kinailangan niyang magtrabaho sa murang edad para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. 

“‘Yung sa’kin? What a journey. All my life ko hong pinangarap at pinaghirapan ‘yun. Eight years old pa lang ako, nagtatrabaho na po ako. Lahat tayo gusto ng ginhawa. Hindi kailangang marangya ha!” wika ng aktres.

“Relate kayo? At dahil alam ko ang pakiramdam ng kumayod kahit sa napakamurang edad, mahalaga sa akin ang magdesisyon nang tama, kasama na ang pagkilatis ng mga kumakandidato tuwing eleksiyon,” dagdag pa niya.

Ikinalungkot din ni Jolina ang kawalan ng trabaho at iba pang ikabubuhay para sa mga Filipino sa nakalipas na taon.
 
“Kung kaming mga artista eh nahirapan pa nitong nakaraang mga taon, ano pa kaya iyong mga kapwa natin Filipino na mas maliliit at kapos sa oportunidad?” giit pa ni Jolens.

Ngunit umaasa si Jolina na magiging maayos ang lahat kapag pinili ng mga Filipino ang masipag na lider gaya ni VP Leni sa halalan sa Mayo.

“Pwede nating baguhin ang lahat ng ito kung pipiliin natin ang tamang tao. At dahil alam ko ang kahalagahan ng maayos at ligtas na trabaho, roon ako sa marunong magtrabaho, at nakita natin na nagtatrabaho!” 
sambit pa ni Jolina.

“‘Yung naranasan na makisalamuha sa masa, ‘yung kagaya nating nagbabanat ng buto, at kayang magtrabaho ng 18 hours per day,” dagdag pa niya.

Sa pangunguna ni Leni, nakatitiyak ang mga Filipino na magsisilbi siya at babantayan ang kanilang kapakanan, ayon kay Jolina.

“Dahil ang kailangan natin ngayon ay Pangulo na nakikita tayo, kasama na rito ang mga pangarap at paghihirap nating mga Filipino,” wika pa niya.

Sinabi pa ni Jolina na si VP Leni ay mayroong kongkretong plano at programa para sa mga manggagawa na kailangang magtrabaho araw-araw para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“Ang presidente ko, may resibo, may plataporma, at may kongkretong solusyon para sa ating mga kumakayod sa araw-araw,”
 aniya pa.

“Wala nang iba pang karapat-dapat na katuwang natin para magkaroon ng buhay na maganda! Si Leni Robredo ‘yan!” pagtatapos ni Jolina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …