Sunday , May 5 2024
MNL48 No Way Man

MNL48, ‘di patitinag sa 7th single na No Way Man

NAGBABALIK ang MNL48 para ibida ang 7th single nilang No Way Man, isang dance-centric na kantang may mensahe ng lakas ng loob sa harap ng mga pagsubok.

Pinangungunahan ng center girl na si MNL48 Abby ang No Way Man kasama ang Senbatsu members na sina Sheki, Jamie, Ruth, Ella, Jan, Andi, Jem, Yzabel, Princess, Lara, Coleen, Rianna, Lyza, Dana, at Dian. Pinakahihintay na pagbabalik ng grupo ang awitin dahil na rin sa paghihigpit dala ng COVID-19 pandemic.

 Ayon kay MNL48 coach Angel, “unforgettable” ang kanta hindi lang dahil sa mahirap nitong choreography kundi dahil na rin sa pinagdaanan ng grupo habang naghahanda para rito.

“Isang taon kaming nag-train tapos nahirapan silang mag-catch up kasi online lang lahat. Ang dami nilang na-experience at ‘yung lyrics ng kanta talagang swak sa mga pinagdaanan namin,” ani Angel.

Pinuri naman ng center girl na si MNL48 Abby ang mga miyembro ng grupo at kanilang MNLoves sa pagbibigay-inspirasyon sa kanya.

“Nakita ko talaga na bawat member ibinigay ‘yung best nila para sa quality comeback. Noong una nagduda ako kung kaya ko ba pero lagi kong iniisip na mayroon akong good support system sa sisters, co-members, at sa MNL48 fans na laging naniniwala sa akin,” sambit ni Abby.

Samantala, nagpapakita naman ng growth ng grupo ang No Way Man ayon sa rank 2 na si MNL48 Sheki. “Ipinakikita sa single ‘yung talent namin sa ibang genre ng pagsasayaw pati na ‘yung vocals namin at saka ‘yung character ng bawat member. Ang ganda ng meaning ng song, talagang nire-reflect ‘yung buhay namin as MNL48 idols.”

Napapanood na ang music video ng No Way Man sa MNL48 YouTube channel, na nagbibida sa mahusay na choreography sa rooftop at sa nakabibilib na sets. Sa ngayon, mayroon na itong 395,000 views. Huling nag-release ng single na River ang MNL48 noong 2020.

Dapat ding abangan ng fans ng MNL48 na MNLoves ang paglalabas ng music card na may mini photobook at handshake ticket sa mga sususnod na araw.

About hataw tabloid

Check Also

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Rabiya Mateo Faith Da Silva

Faith Da Silva itinuturong dahilan ‘di pagka-renew contract sa GMA

I-FLEXni Jun Nardo ENDO o end of contract ang dahilan ng beauty queen na si Rabiya …

Blind Item, Gay For Pay Money

Pagbibigay ng awards sa entertainment easy money

HATAWANni Ed de Leon SA dami ng nagbibigay ng entertainment awards ngayon na hindi mo …

Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office …