Monday , December 23 2024
Virgilio Almario Leni Robredo

Libro ni Rio Alma para kay VP Leni ilulunsad sa Abril 17 

HINIMOK ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si  Virgilio Almario o kilala rin bilang Rio Alma  na bumuo ng  220 pahinang antolohiyang pinamagatang Lugaw ni Leni, Pink Patrol, KKK, kakampik, atbp.. na suportahan ang libro.

Laman ng libro sina G. Almario at Aldrin Pantero, ang patnugot ng halos 200 pahina ng piling-piling tula, maiikling kuwento, sanaysay, liham, maging mga orihinal na dasal, kanta, at mga pahayag ng suportang naisulat dahil sa lingkod-bayang si Bise Presidente na ngayon ay tumatakbo bilang Pangulo sa halalan 2022.

Ang lahat ng mga nilalaman, maliban sa isa ay nakasulat sa wikang Filipino. Ilulunsad ito sa 17 Abril, Easter Sunday.

Kasama rin sa libro ang 24 pahinang full-color insert ng mga retrato bilang lingkod bayan at mga taong dumagsa sa kanyang mga rally. Dagdag ang mga larawan ni VP Leni Robredo na iginuhit ng iba’t ibang Pinoy artists.

Si Fidel Rillo ang nagdisenyo ng libro habang ang mga larawang iginuhit nina Mark Anthony Taduran at Kapitan Tambay ang tampok sa cover ng libro.

Mabibili ang libro sa San Aselmo Publications, Inc., Face book page, Shopee at sa kalaunan, sa mga bookstore.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …