I-FLEX
ni Jun Nardo
TINUPAD ng GMA morning show na Unang Hirit ang pangarap ng isang biktima ng bagyo na magkaroon ng bahay ang magulang at mga kapatid kamakailan.
Nanalo ng bahay si Engie Federis, 23, estudayante na nagtatrabaho bilang house helper sa Pasig sa Bagong Buhay, Bagong Bahay promo ng Unang Hirit.
Nasira ng bagyong Rolly ang bahay nina Federis sa Antolon, Caramoan, at tumira sila sa isang pig pen o kulungan ng baboy.
“Salamat po. Makahihiga na po kami sa mabuting higaan. Araw-gabi po kami nananalangin na sana manalo po kami rito,” sabi ni Nanay Lilibeth habang umiiyak sa biyayang natanggap sa Unang Hirit.