Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Rhea Tan Beautederm

Bea ‘Yes’ agad ‘pag nag-propose si Dominic: Beautederm espesyal sa aktres

ni MARICRIS VALDEZ

HINDI na magpapaligoy-ligoy pa si Bea Alonzo at ibibigay agad niya ang matamis niyang ‘Yes’ sakaling sorpresahin siya ng boyfriend niyang si Dominic Roque ng wedding proposal.

Natatawa man pero kita ang kilig, sinagot niya ng, “Oh my God, oo nga. Ah siyempre naman, I mean, hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro, ‘di ba? Alam naman natin na siyempre, at my age, I want that also,” sambit ng blooming at ambassador ng Beautederm para sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox na pawang mga all-natural supplements.

Pero sa bagay na ‘yan, siyempre I can’t speak for him, and alam naman niya na marami rin akong gagawin, alam naman niya kung ano ‘yung priorities ko sa ngayon.

“Pero kung sakaling magpo-propose siya, siyempre, o-oo ako,” nangingiting sabi ni Bea. “Pero siyempre, I’ll cross the bridge when I get there,” aniya.

Si Bea nga ang endorser ng isa sa mga bagong produkto ng Beautederm, ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

Hindi itinago ni Bea ang excitement at kasiyahang maging endorser ng Beautederm. Actually, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong kinuha si Bea ng presidente at CEO ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche-Tan. Si Bea ang endorser ng Entre Clair mouth wash. At sa muling pagpirma ng kontrata sa Beautederm, ang    REIKO Slimaxine at REIKO Fitox naman ang kanyang ieendoso. 

Pag-amin ni Bea, sobrang happy siya na maging part muli ng Beautederm family at gustong-gusto pa niya ang produktong kanyang ineendoso bilang napaka-health conscious din niya.

Inamin pa niyang espesyal sa kanya ang Beautederm dahil ito ang unang-unang endorsement niya sa panahon ng pandemya at sobrang thankful siya kay Ms. Rhea dahil nagtiwala ito sa kanya at kinuha siya para maging ambassador ng bagong produkto ng kompanya nito.

Sinabi naman ni Ms Rhea na si Bea ang best ambassador para sa mga nasabing produkto.

Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” ani Rhea. 

Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga prioridad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm,” giit pa ni Ms Tan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …