MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng sunod-sunod na paggawa ng pelikula, balik-Teleserye si Teejay Marquez via Mano Po Legacy…Her Big Boss na idinidirehe ni Easy Ferrer hatid ng GMA 7 at Regal Films.
Makakasama ni Teejay sa Her Big Boss sina Bianca Umali, Kelvin Miranda at ang naging kasamahan sa Walang Tulugan with the Mastershowman, si Ken Chan.
First time na makakatrabaho ni Teejay sina Bianca at Kelvin kaya naman excited siya na makatrabaho ang dalawang prime artist ng Kapuso Network. Happy din siyang makakatrabaho muli si Ken.
Ani Teejay na kung nasanay ang tao na mapanood siya na bida sa mga proyektong ginagawa niya, this time ay susubukan naman niya ang maging kontrabida.
Bukod sa bagong teleserye at successful na pagpapalabas ng kanyang movie na Takas, malapit na malapit nang magbukas ang kanyang negosyo.