Wednesday , December 25 2024
FDCP FilmPhilippines Incentives

FDCP FilmPhilippines Incentives Cycle 1 2022 tumatanggap na ng aplikasyon 

TUMATANGGAP na ng aplikasyon ang  Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa FilmPhilipines Office Incentives Program 2022 Cycle 1Ito ay bukas para sa lahat ng  international production companies na may proyekto katuwang ang isang film producer o company mula sa Pilipinas.

Nag-aalok ang Pilipinas ng mga insentibo para makahikayat ng mga banyagang production companies na piliin ang bansa upang maging film location at mapag-ibayo rin ang co-production para sa international film at audiovisual projects na nasa production at post-production, gayundin ang mga producer mula sa ibang bansa na nag-iisip na makipagtrabaho para sa isang co-productions kasama ang isang producer mula sa Pilipinas.

Maaaring magpasa ng aplikasyon ang mga interesadong filmmaker at production companies para sa mga sumusunod na incentive programs: Film Location Incentives Program (FLIP), International Co-production Fund (ICOF), at ASEAN Co-production Fund (ACOF).

Ang mga nabanggit na incentives program ay magkakaroon ng tatlong  application period ngayong taon, ang buwan matapos ang bawat isa ay nakalaan para sa deliberasyon ng Selection Committee: Cycle 1: Pebrero 7, 2022- Marso 31, 2022 (buwan ng Abril ang deliberasyon); Cycle 2: Mayo 2, 2022-Hulyo 29, 2022 (buwan ng Agosto ang deliberasyon); Cycle 3: Setyembre 1, 2022- Nobyembre 29,2022 (buwan ng Disyembre ang deliberasyon).

Mula pa noong 2020 ay masigasig na ang FilmPhilippines Incentives (FPI) sa pagpupunyaging maipamalas ang kagandahan at kaakmaan ng Pilipinas bilang isang filming destination. Dahil sa  mga incentives programs na ito ng FDCP, sa pamamagitan ng FilmPhilippines Office, na nagbibigay ng pondo para sa lokal at internasyonal na co-production, ay nakapagbubukas ng oportunidad para sa mga Filipinong film producer upang maging line producer, partner o co-producer para sa produksyon ng mga de-kalidad na proyekto na nagpapaibayo sa internationalization at professional development. Lumilikha din ito ng mga trabaho para sa lokal na manggagawang pampelikula, at nagpapasok ng karagdagang kita para sa mga negosyo sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …