Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
L (Larawan, Liko, Lipat)

L nina Direk Topel, EJ, at Roman ‘di pang-pornsite

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SIGURADO ang tatlong direktor ng ipalalabas na erotic series ng Vivamax simula sa Pebrero 27, 2022, ang L (Larawan, Liko, Lipat) na hindi mabibilang sa mga pornsite ito.

Drama. Mystery. Para sa lahat ng may pinagdaraanan na gaya ng bida nitong si Lucas (portrayed by Vince Rillon). Na magkakaroon ng kaugnayan sa makakasalubong, halubilo, kilala at kasama niya. Sa mga gagampanan nina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Cloe Barreto, Ayanna Misola, at Jamilla Obispo.

Hindi episodic ang L. Naka-sentro kay Vince. At ang mga engkuwentro ay buong busising tinahi at pinagtagni-tagni nina Direk Topel Lee, EJ Salcedo, at Roman Perez, Jr. na ginabayan ng tumayong producer nito sa ilalim ng kanyang PeliPula na si Jon Red.

Hindi naman nahilo ang mga artista sa bale apat na direktor na gumabay at gumiya sa kanila sa bawat shoot nila. Ang laki nga raw ng nagawa ng pinagsama-samang direksiyon ng apat.

Not on. Two. Three. But four!

Ang mahalaga naman ay ‘yung naalalayan sila at na-achieve ang mga kailangang mabuo ng ayon sa hiling ng kwento.

Naghahanap sa sarili niya si Lucas. Sa paghahanap, mayroong mga nakita, naiwan, naiwala,  natagpuan.

Makita kaya natin sa larawan ng katauhan ni Vince kung saan may liko sa lipat ng mga direksiyon ng mga direktor sa mga katauhan nila sa likod ng kamera?

Sa simpleng tanong sino raw kaya sa 3 o 4 na direktor ang pinaka-ma-L?

Kayo na maglagay ng gusto niyong ipakahulugan sa L na ‘yan!

Tutukan na! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …