Friday , January 3 2025
Ping lacson Vic Sotto Tito Sotto

Bossing Vic, solid sumuporta sa Lacson-Sotto Tandem

IMUS, Cavite – Personal na nagpahayag ng solid na suporta si Bossing Vic Sotto sa tandem nina Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson at ng vice presidential bet na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanilang pagtakbo bilang presidente at bise presidente.

Ayon kay Vic, lubos niyang hinahangaan si Lacson sa kanyang integridad, katapangan, at malinis na track record sa serbisyo publiko sa nakaraang limang dekada.

“Siyempre ang iboboto natin, walang iba kundi ang aking hinahangaang senador, si Senator Ping Lacson,” ani Vic sa isinagawang proclamation rally ng Lacson-Sotto tandem nitong Martes ng gabi.

“Ako ay hanga sa katapatan nitong taong ito – katapatan sa pagbibigay ng serbisyo publiko. Nakita natin ‘yan sa record niya. At pagdating sa katapangan ‘di mo matatawaran. Kabitenyo, e. Katapangan para labanan ang mga tiwali sa gobyerno, para labanan ang korupsiyon sa gobyerno,” dagdag ni Bossing.

Binigyang diin ni Lacson, ang pagsisilbi sa Malacañang ay isang serbisyo sa publiko na ang mga lider ay hindi dapat ituring naa ‘master’ kundi isang tao na dapat manilbihan sa taongbayan.

Inendoso ni Vic ang kanyang kapatid na si Senate President Sotto, isa sa mga “Dabarkads” sa pinakakilalang noontime show sa bansa, ang “Eat Bulaga!”

“Siya ang makakatulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat,” saad ni Vic.

Matapos ang kanyang talumpati, itinaas ni Bossing ang mga kamay ng Lacson-Sotto tandem bilang simbolo ng pagsuporta. Samantala, kasama rin sa mga Dabarkads na pumunta sa rally sina Jose Manalo at Wally Bayola – pati na rin ang basketball superstar na si Marc Pingris.

Siniguro ni Lacson, patuloy na inoobserbahan ang mandatory health protocol at physical distancing sa lahat ng mga dumalo sa proclamation rally, alinsunod sa polisiya niya para sa isang disiplinadong pangangampanya.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin muli ni Lacson ang kanyang pangako na “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at ang pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno (“Uubusin ang Magnanakaw”).

Panawagan ni Lacson sa taongbayan na maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa, imbes magluklok ng magnanakaw sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Pangako rin ng presidential aspirant sa kanyang kapwa Caviteño na mamumuno siya nang may disiplina at katapatan sa kanyang tungkulin.

“Ako po ay humaharap sa inyo bilang isang kababayan, lehitimong taga-Imus, lehitimong taga-Cavite. Kapag ako ay pinagpala na maglingkod, hinding hindi ko kayo ipahihiya. Hinding-hindi ko kayo bibiguin!” saad ni Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

Sunog sa multi-story building sa Dubai mabilis na naapula, walang casualties

SA LOOB ng tatlong minuto mabilis na nagresponde ang mga bombero at ambulansiya sa multi-story …