Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item Young Actress Mystery Girl

NSYA tinatamad magtrabaho ‘pag inlab

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG Ilan sa mga artista kahit maganda/gwapo at may talent, hindi umuusad ang career o sumisikat. Minsan kasi ay sila mismo ang dahilan o may kasalanan.

Tulad nitong isang not-so-young actress (NSYA). Maganda siya at mahusay umarte, pero hindi sumisikat-sikat kahit matagal na sa showbiz. Mas inuuna ang pag-ibig. 

Kapag naii-inlove siya, ay ayaw niya nang magtrabaho. Mas ginugusto na nakakasama na lang lagi o nasa piling ng boyfriend. Ito tuloy ang nagiging kalawang o balakid sa kanyang career.

Noong pumipik-ap na ang career nitong NSYA, na-inlove uli after ng huling nakipagrelasyon. Instead na mas ganahan magtrabaho dahil inspired ay ayaw tumanggap ng trabaho. Nagagalit na tuloy sa kanya ang mismong ina at ang kanyang management. Mas pinipili talaga niya ang lovelife over career. Kaya nga ayun, naunahan pa siya ng ibang mga baguhang artista na sumikat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …