Friday , May 27 2022
Francine Diaz Karen Davila

Francine tinawag na tanga ng director

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING hirap ang pinagdaanan ni Francine Diaz bago niya naabot ang kasalukuyang estado sa showbiz.

Sa kuwento ni Francine kay Karen Davila, naranasan niyang tawagin siyang tanga ng isang direktor  sa isang proyekto na nag-audition siya.

Ayon kay Francine, hindi niya masyadong naintindihan ang ipinagagawa sa kanya ng direktor dahil gutom siya at ‘di pa kumakain. 

May usapan kasi sila ng Mama niya na audition muna bago kain kaya naman sa audition ay gutom ito at wala pang kain. “Ang rule namin ni Mama, audition muna bago kakain para tipid. So bawal ka kumain hangga’t hindi tapos mag-audition kasi ‘yung pamasahe tipid lang.

” Siyempre kapag gutom, slow ka mag-pick up ng mga instruction, hindi nagwo-work ‘yung brain,” kuwento ni Francine.

Dagdag pa nito, “So parang may sinasabi ‘yung director at that time na hindi ko na-gets kasi gutom ako noon, pero ibinibigay ko naman ‘yung best ko sa audition. Tapos ang sabi niya, ‘Ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga.”

Isa nga ito sa experience ni Francine sa showbiz na hinding-hindi niya makalilimutan.

Ikinuwento rin nito na noong panahong nakuha siya para sa Kadenang Ginto ay nangutang sila ng pera para lang may ipamasahe papuntang taping. “Nangutang kami pang-Grab kasi wala kaming pamasahe. Minsan kinakatok namin ‘yung kapitbahay namin ng madaling araw para sa pamasahe,” aniya pa. 

Ang mga karanasang ito ang naging baon ni Francine para paghusayan ang kanyang trabaho sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng ABS CBN.

About John Fontanilla

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Lance Raymundo, Chotto Matte Kudasai

Lance handang mag-frontal sa pelikula

MATABILni John Fontanilla HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula. Tsika ni Lance nang makausap …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …