Monday , May 20 2024
Lito Lapid Howard Guintu Alexa Pastrana pinuno partylist

SJDM mainit na sinalubong ang pinuno partylist

MAINIT na tinanggap si Senator Lito “Pinuno” Lapid kasama si Pinuno Partylist first nominee Howard Guintu at third nominee Alexa Pastrana ng mga residente ng San Jose Del Monte, Bulacan sa paglulunsad ng kanilang congressional campaign, kahapon,Martes, 8 Pebrero 2022.

Naging sentimental si Lapid nang maalala ang pamamalagi niya sa SJDM noong kinukanan ang hit series na “Ang Probinsyano” kasama si Coco Martin. ‘Yan umano ang dahilan kung bakit niya pinili ang nasabing lugar para ilunsad ang Pinuno Partylist.

Naniniwala ang maginoong senador ng Pampanga sa paninidigan ng Pinuno Partylist gaya ng pabahay at trabaho sa bawat Filipino.

“Totoo ang lahat ng sinasabi ng Pinuno Partylist. Hindi pa nakaupo ay marami na silang natulungan,” ani Lapid.

Ang mga residente ng SJDM ay kabilang sa mga nabiyayaan ng mga programa ng programang ipinagkaloob ng Pinuno Partylist.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …