I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMANTAD na ang babaeng ipinalit ni Kiko Estrada kay Heaven Peralejo. Siya si Janelle Lewis, Miss World Philippines 2021 runner-up at kapareha ni Teejay Marquez sa pelikulang Takas ng Hand Held Entertainment Productions.
Paglilinaw ni Janelle, “Naging malapit kami ni Kiko noong time na wala na sila! Yes, we’re dating!”
Unang movie ni Janelle ang Takas na ni Ray An Dulay na dati ring actor. Eh dahil may sexy scenes sa movie, puwede rin bang sumabak sa sexy roles si Janelle gaya nina AJ Raval at Angeli Khang?
“Twenty years old pa lang ako. Susubok pa rin ako sa pageants. Who knows? Part ng pagiging artista ang lumbas sa sexy role,” rason niya.
Sa February 19 pa ang streaming ng pelika sa ktx.ph at www.iamrad app pero inihahanda na ng producer ang part 2 at iba pang thrillers na gagawin niya.