Thursday , June 4 2026
Bulto-bultong shabu nasabat sa ‘padala’ mula Nevada, USA

Bulto-bultong shabu nasabat sa ‘padala’ mula Nevada, USA

HINDI nakapalag sa mga awtoridad ang isang consignee ng mga padala mula sa Henderson, Nevada, United States of America (USA) nang arestohin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA), matapos dumating ang kargamento sa Bureau of Customs (BoC) Clark, Pampanga nitong Miyerkoles, 12 Enero 2022.

Bulto-bultong pinaniniwalaang shabu ang tumambad sa mga ahente ng kagawad nang hindi makapasa sa BoC at PDEA K9 Unit ang ‘padala’ mula sa Nevada na idineklarang mga panulat ang laman tulad ng marker pens.

               Nang hindi makapasa sa K9, isinailalim sa profiling at physical examination ang ‘padala’ na natuklasang naglalaman ng walong pirasong Expo Marker Pens, isang pack ng Dart Flights, isang  pack ng magazine na may tatak na “Pop Boys” na pinagtataguan ng tatlong self-sealing transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang self-sealing transparent plastic na may tatak na black label brand, pinagsususpetsahang liquid Marijuana.

Agad nag-isyu si District Collector Alexandra Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), & 1113 par. f, i & l (3 & 4) ng R.A. 10863, kilala rin sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasunod nito, ikinasa ang controlled delivery operation nitong 12 Enero ng pinasanib na puwersa ng PDEA, CAIDTF, ESS at CIIS sa address ng consignee sa Quezon City. Naaresto ang claimant ngunit hindi pa ibinunyag ang pangalan.

               Ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P90,000 ay ipinasa sa PDEA para sa disposisyon habang ang  claimant ay isasailalim sa inquest proceedings.

Samantala, inilipat sa pangangalaga ng PDEA ang mga kompiskadong kontrabando. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …