RATED R
ni Rommel Gonzales
KABILANG si Geneva Cruz sa mga celebrity na hindi pinalalampas ang mga basher sa kanyang social media account.
Paliwanag ng singer-actress, hindi ibig sabihin niyon ay pinapatulan niya ang mga basher.
“I don’t call it patol. I call it educating them,” sabi ni Geneva sa media conference ng kinabibilangan niyang tv series na Little Princess.
“If they come to my [page] and they talk about my singit or something and I’m on a beach and it’s a guy and they say ‘oh bakit ganyan.’ I’ll say, ‘Excuse me. I’m a mother of two. Dalawang bata na ang lumabas diyan. And look at my body. How about you focus on that,” ayon kay Geneva.
Aminado siya na napipikon siya noong una pero naisip niya na, “the best way to actually deal with them is to deal with them through love and kindness and also being yourself and educating them.”
Hindi naman lahat ng puna ay pinapatulan niya. Ang mga komento tungkol sa kababaihan at pagiging ina ang hindi niya pinalalampas.
“Kasi kung pumunta sila sa site mo and they have the audacity to tell you things that are negative ‘pag nasa mood ako, pwede kong burahin. Pero kapag mayroong kinalaman sa pagiging babae, pagiging ina, I will educate them,”paliwanag niya.
Noong Marso, sinagot ni Geneva ang basher na nagkomento tungkol sa kaniyang “singit.”
Sumusuporta rin siya laban sa body shaming sa social media.
Kabilang si Geneva sa Little Princess kasama sina Jo Berry, Rodjun Cruz, Juancho Triviño, Angelika Dela Cruz, Chuckie Dreyfuss, Lander Vera Perez, Therese Malvar, at Jestoni Alarcon.