Sunday , April 28 2024
Bulacan Police PNP

7 drug suspects, 8 pugante swak sa kalaboso

NALAMBAT ng mga awtoridad ang pitong personalidad sa droga at walong pugante sa mas pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Huwebes, 6 Ener0.

Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nakorner ang pitong drug suspects sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Hagonoy MPS, Marilao MPS, at Meycauayan CPS.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Michael Nicola, alyas Mike, ng Brgy. Sto. Niño, Hagonoy; Jerry Cruz, ng Brgy. Lawa, Meycauayan;  Arnold Talastas, Jr., ng Brgy. Biñan 2nd, Bocaue; Reynaldo Dizon, alyas Rey ng Brgy. Taal, Bocaue; Spencer Cariño ng Bgry. San Juan, Balagatas; Michael Napa, alyas Pilay, at isang kinilalang Mark, kapwa ng Brgy. Lambakin, Marilao.

Nakompiska mula sa mga suspek ang kabuuang 10 pakete ng hinihinalang shabu, 14 pakete ng tuyong dahon ng marijuana, at buy bust money na dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa angkop na pagsusuri.

Nasukol rin ang walong pugante sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Bocaue MPS, Bustos MPS, Malolos CPS, Meycauayan CPS, San Miguel MPS, mga element0 sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Plaridel MPS, at San Jose del Monte CPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Rosabell Joson ng Brgy. Pulong Bayabas, San Miguel; Conchita Alcantara, alyas Chit ng Brgy. Cambaog, Bustos, kapwa inaresto sa paglabag sa BP 22 (Anti-Bouncing Check Law); Rodel Dela Cruz ng Brgy. Lolomboy, Bocaue para sa Other Light Threats at Malicious Mischief; Maribel Genese ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law); James Subrado, alyas Jojo ng Brgy. Iba, Meycauayan para sa tatlong bilang ng kasong Acts of Lasciviousness; Lester Kyle Fernandez, alyas Buboy ng Brgy. Bahay Pare, Meycauayan para sa Resistance and Disobedience to a Person in Authority; Marvin Baliño ng Brgy. Lawang Pare, San Jose del Monte; at Marita Castro ng Brgy. San Vicente, Malolos para sa Qualified Theft.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang mga suspek para sa naaangkop na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …