Wednesday , December 25 2024
Risa Hontiveros, Expanded Solo Parents Welfare Act

Expanded Solo Parents Welfare Bill aprobado sa senado

PINAGTIBAY ng senado sa third at final reading ang panukalang  Expanded Solo Parents Welfare Bill ito ay upang mabigyan ng dagdag na proteksiyon ang mga solo parent sa buong bansa.

Sa botong 22-0-0 ng mga senador ay napagtibay ng senado ang panukalang batas na aamyenda sa Republic Act No. 8972, o kilala din sa tawag na Solo Parents Welfare Act of 2000.

“The Senate has come together to lift up an invisible and marginalized segment of our population, the solo parents,” ani Sen. Risa Hontiveros, isang single mother at Chairman ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na siyang tumindig sa naturang panukalang batas.

Ang SBN 1411 o proposed Expanded Solo Parents Welfare Act na tumutukoy sa kabuuang proteksiyon ng solo parents kabilang rito ang livelihood opportunities, legal advice and assistance, counseling services, parent effectiveness services, stress debriefing, at iba pa anoman ang uri o katayuan o estado sa buhay.

Nakapaloob din sa naturang panukala na ang sinumang indigent solo parents ay maaaring makatanggap ng isang P1,000 cash subsidy kada buwan mula sa kanyang  local government units.

Maaari din pagkalooban ng scholarships at grants ang solo parents at kanilang mga anak partikular sa higher at technical/vocational education training at awtomatikong nasa coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sila rin ay prioridad sa mga government housing project nang sa ganoon ay mayroon silang maayos na tahanan.

Bukod sa kasalukuyang “leave” na ipinagkakaloob ng batas sa isang empleyado ng pamahalaan at pribadong kompanya, ang lahat ng solo parents na nagtatarbahao ay bibigyan din ng dagdag na pitong araw na parental leave na mayroong bayad at prayoridad sila sa sa mga telecommuting arrangements.

        “Habang may pandemya, mas lalong mahalagang mapabilis pa ang pagsasabatas nito. Naging mahirap ang pagtulak sa Expanded Solo Parents Welfare Act, pero saksi ako sa tiyaga ng mga solo parents sa pagkampanya para sa pagpasa nito, kaya’t lubos ang aking pasasalamat dahil hindi kami bumitaw sa laban,” dagdag ni Hontiveros. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …