Saturday , May 10 2025
Sab Aggabao Angeli Khang

Angeli nag-enjoy sa intimate scene nila ni Sab

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

INE-ENJOY nang husto ni Angeli Khang ang threesome scene niya sa pelikulang Eva na idinirehe ni Jeffrey Hidalgo for Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa Disyembre 24.

Babae’t lalaki kasi ang kasama ni Angeli Khang sa eksena kaya kakaiba ito sa kanya.

“Hindi ako nahirapan sa threesome kasi first day palang close na kami sa isa’t isa. Maraming biruan, maraming kulitan. Unang day palang na pagpunta namin sa set nag-usap na lahat, picture-picture, lahat.

“Kaya noong threesome na, sobrang comfortable na lang namin sa isa’t isa na kahit gusto ni direk na mayroon kaming saplot parang kami, ‘Go lang direk okay lang kami, komportable kaming tatlo,” kuwento ng bagong goldmine ng Viva Films sa nakaraang online mediacon ng Eva.

Ito ‘yung kuwento ng cast na sobrang enjoy sila sa set with direk Jeffrey dahil tawanan sila ng tawanan, happy set ‘ika nga. Kaya pinasalamatan lahat ng direktor ang mga artista niya dahil pinagkatiwalaan siya.

Sabi pa ni Angeli ay nagustuhan niya ang intimate scene nila ni Sab Aggabao na lesbian ang karakter.

“For me, mayroong ibang sarap ang tomboy at mayroon ding ibang sarap ang lalaki. And doing the scene with her (Sab), sobrang talagang nakae-enjoy. Kasi one time may bonding kami niyan na off camera, kaka-meet palang namin pero may bonding kami na it made us very close na talagang tatatak sa isipan namin habambuhay,” kuwento ng sexy star.

Bagama’t ikatlong pelikula na ni Angeli ang Eva, kabado pa rin siya, ”Up until now, may kaba pa rin. Kahit na ready ako sa set, ready ako sa mga scene, nandoon pa rin ‘yung kaba na, kaya ko ba? Kaya ko bang ipakita ang gustong ipakita nina direk, ng mga producer?”

Dagdag pa. ”Ang saya makasama si Direk sa set dahil parang friends lang lahat. Sobrang nae-explain niya sa akin ang mga gusto niyang mangyari and thankful na nagagawa namin lahat  ng iyon.”

Kasama rin sa movie sina Quinn Carillo, Angelica Cervantes, Marco Gomez, at Ivan Padilla.

About Reggee Bonoan

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …