Tuesday , December 31 2024
Bongbong Marcos

Marcos nanguna pa rin sa November presidential surveys

NANANATILING top preferred presidential candidate si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., na isinagawa mula 16-24 Nobyembre na nilahukan ng 10,000 respondents, 24% ang pumili kay Marcos, Jr., bilang kanilang presidente, sinundan ito ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nakakuha ng 22% percent.

Lumabas din sa broadsheet polls, patuloy na umaani ng popularidad at suporta si Marcos, Jr., sa kabila ng mga petisyon at propaganda laban sa kanya.

Nanguna siya sa Manila Times survey noong 26 Oktubre – 2 Nobyembre sa pamamagitan ng 68% o 1,020 respondents.

Sa pinakahuling multi-platform survey ng Manila Bulletin mula 19-21 Nobyembre, lumitaw na mananalo si BBM ng 71.5% ng mga boto kung  gaganapin ang eleksiyon sa mga nabanggit na petsa. Sa 68% at 71.5% na paborableng boto para kay Marcos, Jr., kahit pagsamahin ang mga boto ng kanyang mga katunggaling kandidato ay hindi pa rin sapat para maungusan siya.

Sa independent at non-commissioned poll done ng PUBLiCUS Asia Inc., na tinawag na “PAHAYAG: FINAL LIST” mula 16-18 Nobyembre na nilahukan ng 1,500 respondents na registered voters, mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Filipinos, sinabi ng PUBLiCUS na “former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) holds commanding leads across all regional groups. His lead is widest in NCL (Northern and Central Luzon) and MIN (Mindanao).”

“Upon comparing the numbers with those obtained from the PAHAYAG: Q3 survey, we find that BBM posted a gain of around 7%,” dagdag nito.

Samantala, 15 Nobymebre nang kompirmahin ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng kanilang October 22-23 Stratbase-commissioned face-to-face survey na nilahukan ng 1,200 registered voters sa buong bansa, lumitaw sa survey, ang pumili kay Marcos, Jr., bilang kanilang top choice sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.

Sa isang news article, sinabi ng Eurasia Group consultancy na “without the popular [Sara] Duterte-Carpio in the presidential race, Marcos is frontrunner, with 60% odds of victory, though there is a long road ahead.

About hataw tabloid

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …