Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymond Bagatsing, Sarah Javier

Sarah Javier sunod-sunod ang blessings, mapapanood sa pelikulang Nelia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang pasasalamat ni Sarah Javier nang napanalunan ang Mrs. Universe Philippines-Visayas 2021 sa katatapos na Mrs. Universe Philippines 2021, bilang pambato ng Cavite.

Saad ni Ms. Sarah, “Nagpapasalamat po ako sa Panginoon na Siyang nag­bigay po sa akin ng lahat-lahat. Pangalawa, sa aking asawa at anak at sa aking nanay po Lily Camet Javier, mga kapatid ko po, mga in laws ko po… sila po talaga ang nagbigay inspiration sa akin para lumaban. Mara­ming salamat po sa inyo, mahal na mahal ko kayo. At sa mga kamag-anak ko po, mga kaibigan, mga ninang ko, 69ers batch ng Pilar Academy, mga press family ko po. Ang dami-dami ko pong nais pasalamatan at nakaukit iyon sa puso ko. Sa mga nag-sponsor po sa akin lalo na po kay Suzette Escalante, Gov. Chavit Singson, Jamie Go Atelier, Bong Ronquillo, Kat Joplo, Exquisite 1 on 1 Make Up Studio, Pitikoloso multimedia production, and Cloak and Dagger Studio. Maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamahal.”

Dahil ang dami niyang hinakot na special awards sa Mrs. Universe Philippines 2021, inusisa namin kung ano ang reaksiyon niya rito? Aniya, “Very meaningful po ang lahat ng awards sa akin lalo’t unexpected po talaga na naging ambassadress ako ng iba’t ibang brand. I am so proud of it talaga at mostly ang maging Ms. Friendship po, nakatataba ng puso na isipin na lahat po kasi ng mga co-queen sisters ko ay napalapit at napamahal na po sa akin.”

Nalaman din namin na bahagi pala siya ng peli­kulang Nelia ni Direk Lester Dimaranan. Mula A and Q Productions Films Incorporated, starring Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Shido Roxas, Ali Forbes, at iba pa.

Ano ang role niya sa Nelia na pumasok sa MMFF 2021? “Ang role ko po ay isang babaeng mapag­pang­gap po, hahaha! Abangan po nila Tito, at bit role lang po pero may tatak doon.”

First time pala niya sa MMFF, kaya itinuturing niya itong blessing. “Opo, first time po kaya super over­whelmed, I am happy, I am blessed to be part of this quality movie na Nelia, kaya sana po paki-suportahan, mapapanood sa December 25!”

Ayon pa kay Ms. Sarah, ang pinagkakaabalahan niya ngayon, bukod sa pag-aayos ng kanyang advocacy na mental health awareness, babalik siya sa paggawa uli ng kanta dahil music talaga ang kanyang mundo.

Plano ba niyang i-promote ang kanyang Christmas song? “Opo, muli na naman ninyong maririnig ang rendition ko ng kantang Sana Ngayong Pasko by Jimmy Borja, arranged by Elmer Blancaflor. Lalo’t malapit na ang Pasko at sana itong darating na Pasko ay maging masaya na ang ating mundo. Matapos na po nawa ang pandemic na ito, pagpalain po nawa tayong lahat ng ating Panginoon,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …