Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pornstar 2: Pangalawang Putok mas bulgar; newbie star palaban

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAS  bolder at mas bulgar ang mga linyang ginamit sa Pornstar 2: Pangalawang Putok na sequel ng Paglaki ko gusto kong maging Pornstar na si Darryl Yap ulit ang direktor at ang mga batikang sex star na sina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina, at Rosanna Roces ang bida.

Kaya sa tanong kung ipapanood ba nila ito sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak nila at paano ito iko-convince ng mga bida, ito ang kanilang sagot.

“Honestly ‘Pornstar 1’ pinanood nila, itong Two feeling ko panonoorin pa rin nila because they are very interested in the works of Darryl Yap.

“Paano ko sila iko-convince without being bias honestly hindi ko alam ang isasagot ko pero kung nagustuhan nila ‘yung una, definitely magugustuhan nila itong part 2.

“Maraming nakakalokang eksena rito pati ako noong binabasa ko ang script nitong part 2, eh, pagdating sa lines medyo parang na-ano rin ako na ‘ay grabe-grabe.’ But I’m pretty sure that this is a film that everyone will enjoy, everyone will love kasi may aral sa dulo at mas malalim ‘yung mapupulot nilang aral dito compared sa unang ginawa,” paliwanag ni Maui.

Si Alma, ”Siguradong panonoorin nila ito dahil pinanood nila ‘yung one kaya itong two panonoorin nila. Nakaabang na nga sila (mga anak) sa trailer palang. Hindi lang kasi puro sexy ang makikita rito sa two kundi may aral na mapupulot. Hindi lang paghuhubad ang makikita kundi kailangan sa eksena talaga. Ibang Alma Moreno ang ipinagawa sa akin ni direk Darryl dito.”

“Definitely ‘yung mga nakapanood ng ‘Pornstar 1’ ay panonoorin itong ‘Pornstar 2’ kasi mas busog, mas malaman, maraming aral. Mabubusog ang mata nila sa lahat ng aspect ha, haha,” say naman ni Ara.

Ang reaksiyon ng asawang si Dave Almarinez, ”actually matagal ko ng pinapapanood ang ‘Pornstar 1’ kaya lang hindi pa niya (napanood) kasi medyo busy so at least ipalalabas na ‘yung ‘Pornstar 2’ para hindi siya mabitin. Pero sa anak namin hindi pa puwede sa kids definitely.”

At si Osang naman ay ipinadadala raw niya ang trailer ng Pornstar 2 sa mga anak niya at apo.

“Si Leon (apo) magpo-14 na, wala sabi lang niya, ‘ang ganda ng lola ko.’ Iba na kasi ang isip ng mga kabataan ngayon kaya siguro minahal din ako ng fans ni Sharon Cuneta kahit na magkaibang-magkaiba kami ng mundo kasi mas open na sila ngayon kaya siguro natanggap din nila ‘yung ginawa ni Sharon sa ‘Revirginized.’

“Madali rin nilang natanggap at hindi naging masakit iyon sa mata at tenga ng fans. Kung mas bata pa sa kanila, nagsisimula sa tahananan natin ang censorship. 

“Dapat bantayan ang mga bata para hindi makapanood ng ganito kaya nga tayo may bayad sa Vivamax para hindi lahat na-access nila.”

Naikompara pa nito na ang newbie stars ng Pornstar 2:  Pangalawang Putok na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales at Stephanie Raz dahil mas palaban kompara sa kanila noong araw.

Kaya abangan kung ano ang ginawa ng apat na baguhan para masabing daig ang veteran stars sa panahong sila ang sikat. Mapapanood ito sa Disyembre 3 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …