Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte PNP

Duterte hirap pumili ng next PNP chief — DILG

NAHIHIRAPAN pumili si Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni outgoing PNP chief, PGen. Guillermo Eleazar, dahil pawang malalapit sa kaniya ang mga kandidatong nasa listahan na isinumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG). 

Si Eleazar ay nakatakda nang magretiro sa serbisyo sa Sabado, Nobyembre 13, pagsapit niya sa kanyang mandatory retirement age na 56.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nakatakda siyang makipagpulong kay Pangulong Duterte hinggil sa bagay na ito at aminadong isa ito sa pinakamahirap na gagawing desisyon ng punong ehekutibo.

Ito na rin aniya ang pinakahuling PNP chief na itatalaga ng pangulo sa posisyon kaya’t kailangan niya itong pag-aralang mabuti.

“Ito ang sabi niya na pinakamahirap na pagdedesisyon niya. Una, ‘yung lahat ng mga kandidato, kilala niya, nagsilbi rin sa kanya. Pangalawa, ito kasi ‘yung pinakahuling ia-appoint niya bago ‘yung susunod na election kaya kailangan pag-aralan niyang mabuti,” paliwanag ng DILG chief.

Matatandaan, noong nakaraang linggo, kinompirma ng kalihim na nakapagsumite na siya sa Pangulo Duterte ng listahan ng mga pangalan na inirerekomenda niyang magiging susunod na PNP chief.

Sinabi ng kalihim na limang pangalan ang kasama sa listahan ngunit hindi naman tinukoy kung sino-sino. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …