Saturday , November 16 2024
Manuel V Pangilinan MVP PLDT SMART
Manuel V Pangilinan MVP PLDT SMART

SMART-PLDT inulan ng reklamo mula sa netizens

NAGING trending topic sa social media ang Telecommunications company SMART-PLDT makaraang ulanin ng mga reklamo mula sa netizens dahil sa malawakang fiber outage noong Lunes ng gabi.

Smart trending
Smart trending 2

Ang mga apektadong lugar ay ang San Luis, Aurora; Batangas City; Calamba, Laguna: Taytay, Rizal: Maynila; Mandaluyong; Gamay, Northern Samar; Talisay City, Cebu; Iloilo City; Cebu City; Pilar, Bohol; Cagayan De Oro; Misamis Occidental; Isabela, Basilan; Davao City; at  Isabela, Basilan.

Binatikos ng mga galit na netizens ang SMART- PLDT dahil sa outage na nangyari nang wala umanong abiso at nakasira sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

“PLDT brags about claims of fastest speeds in the country, and network superiority— these are cheap if it can’t put its money where its mouth is,” sabi ng isang subscriber.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga reklamo ng mga subscriber.

“I have my studies and my work. I can’t make it on time because of the slow internet connection. We just payed our bill and this is what we get? Apurado kaymo ug maningil pero inig mabayran murag soso sa kahinay inyong connection.”

“Do we need more than we pay? NOPE. Just let us have right internet connection as we pay. This is too far from what I pay for every month!”

“Update naman d’yan realtime kung mag-eExpect kaming down para hindi kami mabuang sa workhome. Wala na kaming sweldo! Nov 9 2021.”

“HOOOOYYY NAKA BREAK AKO. PAGBALIK KO, NAKA DISCONNECT NA AKO SA VPN!!! I STILL HAVE WORK TO DO!”

“HUYYYYY ANOOOO NAAAA

DI USO ANG MAG UPDATE HA?”

“PLDT what’s wrong? May raffle promo pa to get a free one year 1gbps internet speed e ngayon halos hindi makaakyat sa 3mbps ang DL speed nyo. 25mbps ang binabayaran ko. Ano ba?”

“ANO NA PLDT, GALAW GALAW MGA YAWA!

SInce SAturday pa PLDT internet connection issues. Until today Monday Nov 8, 2021 8:06 PM. Please let us know when it will be resolved. May trabaho ako. Internet based!!”

“Back from 6 hours ago, people are complaining ‘bout download speed being slow despite the fact speedtest has low ping given, i too is experiencing the issue, is there a maintenance? if so, why not post it in the Fb page?, PLDT complaints has now rose, but that aside , i hope you bring back the strong connection given before, we are really hoping for online classes continuing , learning and fun etc.”

“MALAKAS KAYO SA SPEEDTEST PERO SA ACTUAL SURFING PLS MAHIYA NAMAN.”

Samantala, hindi kinagat ng market investors ang pahayag ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan na ang PLDT (TEL) was “undervalued” kompara sa mga kalaban nitong Globe Telecom (GLO) at Converge Information and Communications Technology Solutions (CNVRG).

Makaraang ihayag ni Pangilinan sa media at market analysts ang murang presyo ng TEL noong petsa 4 at 5 Nobyembre, ayon sa pagkakasunod, iniangat ng mga investor ang CNVRG (up six percent ) at GLO (up three percent) habang bumaba ang TEL  (down .61 percent) noong 8 Nobyembre.

Pagdating sa market cap, ang CNVRG ay nagdagdag ng P28 bilyon sa P265 bilyon at ang GLO ng P20 bilyon sa P441 kasunod ng pahayag ni Pangilinan. Nanatili ang TEL sa P354 bilyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …