Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Jalandoni

Ana Jalandoni nagmanipulang mag-produce

MATABIL
ni John Fontanilla

DARING, palaban, at handang gawin ang lahat  para sa ikagaganda ng pelikula ang maganda at seksing si Ana Jalandoni, ang bida at producer ng pelikulang Manipula.

Unang ipinakilala si Ana sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ng Viva Films na napansin ang ganda at husay sa pag-arte. At  sa Manipula ay mapangahas, mas daring, at mas challenging ang role na ginagampanan niya na katambal si Aljur Abrenica.

AJ din ang initial ni Ana kaya nausisa ng mga entertainment press kung hindi ba ito natatakot na ma-link kay Aljur katulad ng kay AJ Raval na nakapareha ng aktor sa pelikulang Nerissa.

Ayon kay Ana, “Hindi naman po. Nagkasama na kami ni Aljur sa mga out of town event, so, parang magkaibigan na kami at sinuportahan niya ang pagpo-produce ko.”

Bukod kay Aljur ay magkakaroon din ng matinding lovescene si Ana kina Christian Vasquez, Kiko Matos, at Marco Alcaraz.

Ang Manipula ay mula sa panulat at direksiyon ni Neal Buboy Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …