Thursday , June 4 2026

Joey binanatan ang mga nagkakalat ng fakenews: Si Tito ang iboboto ko!

ALIW talaga magbasa sa mga opinyon ng Poet Niyo na si Joey de Leon. Ang tunay na Pinoy Henyo.

May mga pahaging!

“Ang tunay na kaibigan at tunay na daberkads, hindi nag uunfollow kahit magkaiba kayo ng political views.”

http://tiny.cc/JoeyKnows

Noong bertdey niya kamakailan:

“Salamat sa mga bumati. Sana wag natin hayaang idivide tayo ng pulitika. Respetuhin ang iba ibang paniniwala, at wag seryosohin ang mga jokes memes at social media. Sumilip lang kayo sa FB para maglibang.”

Ito ang matindi. Sabi niya, “Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news. Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, ini-endorso ang isang kandidato.

“Pwede ba, nasa litratong ito (TVJ) natural ang aking iboboto. Eh PITONG Presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan? Dun sa mga “friends” ko kuno, fact check muna before posting. Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ko, eh.” @helenstito

Iba talaga humirit ang miyembro ng TVJ (Tito, Vic and Joey). Hindi na matitibag. Hindi na matitinag ang deka-dekada na nilang pagkakaibigan.

Kaya sana, alam din ‘yan ng anak ni Vic na si Paulina, na sinasabing US Immigrant na. Para hindi na nasasaktan ang mga kaanak niya. Lalo na ang mga pinsan sa Uncle Tito nila.

Sa mga post din ng Poet Ninyo ko nadaanan itong Aljur-Kylie brouhaha, eh.

Ang bukingan!

Hay. Trabaho lang tayo, right dear Editor?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …