Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ron Angeles

Ron Angeles may experience na nga ba sa bading?

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAPANG na inamin ni Ron Angeles sa kanyang latest vlog sa  Youtube Channel na may experience na siya sa gay.

Sumailalim si Ron sa isang lie detector test challenge kasama sina Ogie Diaz with Loi and Jegs na tinanong siya ng mga ito ng random questions.

Isa sa sizzling question ni Ogie kay Ron ay kung may experience na ito sa bading? Mabilis na sinagot ni Ron ng “No!” na sinang-ayunan naman ng lie detector test.

Pero hindi kumbinsido si Ogie sa resulta kaya pinaulit nito sa parehong tanong at ang resulta ay lie. Kaya inulit pa nila sa pangatlong pagkakataon para makatiyak, pero lie pa rin ang resulta at dito na umamin at nagkuwento Ron ng kanyang gay experience.

Ani Ron, nangyari iyon noong 17 years old siya at Varsity Player (basketball) sa kanilang school. May isang rich gay daw na kinaibigan sila at binarkada. Minsan na nagyaya itong mag-out of town at nagkalasingan sila. Hindi niya inakala na siya pala ang type ng mayamang bading kaya nagulat siya nang himasin ang kanyang legs at masagi ang kanyang jumbo hotdog.

Simula noon iniwasan na niya ang nasabing bading at hindi na sumama sa mga lakad ng kanyang team mates kapag kasama ang rich gay. 

Pero hindi naman daw iyon naging dahilan para umiwas siya sa mga bading dahil alam nitong maraming bading ang mabait. Sa ngayon ay marami pa rin siyang mga kaibigan na bading lalo na nang pumasok siya sa showbiz.

Kung gusto niyong mapanood ang iba pang mga sizzling question na tinanong nina Ogie, Loi, at Jegs kay Ron, bisitahin ang Youtube Channel nito (Ron Angeles).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …