Monday , December 23 2024
Sabong IATF

Pansariling interes isantabi
SABONG BAWAL SA BULACAN

NAKIPAG-UGNAYAN ang mga miyembro at opisyal ng Samahan ng mga Sabungero sa Bulacan sa bagong itinalagang provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na si P/Col. Manuel Lukban, Jr., matapos magtungo noong Miyerkoles, 13 Oktubre sa tanggapan ni Bulacan Governor Daniel Fernando upang ipabatid ang kanilang mga hinaing.

Sa harap ni P/Col. Lukban, inilahad ng grupo ang kanilang buong suporta sa mga alitun­tunin ng IATF tungkol sa kasalukuyang community quarantine sa lalawigan.

Inamin ng grupo sa kanilang pag-uusap na malaki ang nalulugi sa kanilang industriya simula nang ipinagbawal ang sabong dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ipinaliwanag ni Lukban ang kasalukuyang ipinatutupad na alituntunin ng IATF sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lalawigan na mahigpit ipinagbabawal ang mga establisimiyentong pangl­ibangan, isa na rito ang live sabong at iba pang uri ng mga sugal.

Napagtanto umano ng mga may-ari ng mga sabungan na higit nilang kailangang panga­lagaan ang kanilang kalusugan at isantabi muna ang kanilang personal interest.

Anila, susuportahan at igagalang nila ang itinakdang panukala ng IATF kaya hindi muna magbubukas ang mga sabungan para sa kalusugan ng lahat.

Samantala, ipinabatid ni Governor Fernando na bawal ang operasyon ng mga sabu­ngan alinsunod sa alituntuning ipinapatupad ng IATF sa Bulacan.

Binigyang-diin ng gober­nador ang kanyang pagpa­pahalaga hindi lamang sa kalusugan ng mga sabungero kundi gayondin sa mga mama­mayan ng buong lalawigan ng Bulacan.

Ngunit batay sa pag­sisiyasat, napag-alaman ng pulisya na may mga poli­tikong may­roong pansariling interes ang nagbubuyo sa samahan ng mga sabungero na magtipon-tipon at magsagawa ng rally na lumalabag sa regulasyon ng IATF.

Bunsod nito, patuloy ang paala­la ng pulisya na makiisa ang samahan ng mga sabungero sa alituntunin ng IATF para sa kapakanang pangkalusugan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Dagdag ni Lukban, hangad ng Bulacan PNP na manatili ang katahimikan at kapayapaan sa buong lalawigan kabilang ang maproteksiyonan ang kalusugan ng bawat mamamayan.

Gayondin, nagpapaalala ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Fernando sa mga Bulakenyo na mag-ingat at umiwas sa mga politikong may personal interest na gustong baliin ang itinakdang batas o panuntunang pangkalusugan ngayong pandemya.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …