Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Andrea Torres

Andrea pinuri ang pagiging hands-on mom ni Kylie

Rated R
ni Rommel Gonzales

IKINAGULAT at ikinatuwa ni Andrea Torres na maganda ang pagtanggap ng publiko sa “loveteam” nila ni Kylie Padilla.

“Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even ‘yung mga kasama namin sa ‘BetCin,’ nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao,” umpisang pahayag ni Andrea.

Isang mini-series na may walong episodes ang BetCin na mga bida sina Andrea at Kylie. Palabas ito ngayong Oktubre sa WeTV at iFlix.

“Kasi ngayon, gumagawa na rin sila ng mga art work. ‘Tapos talagang nagpaparamdam sila. Happy na ‘yung set, pero mas lalo pang happy. Lalo kayong driven kasi nga nababasa niyo ‘yung mga ganoon.

“Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito ‘yung perfect comeback sa kanya.”

Kuwento pa ni Andrea, dahil isang tomboy sa serye si Kylie ay naging kamukha ito ng ama nitong si Robin Padilla.

“Bagay na bagay sa kanya, as in!

“’Tapos may mga anggulo siya na Robin Padilla. Mayroon talaga siyang anggulo. Sabi ko, ‘Kylie, kamukha mo ang Daddy mo,’” at tumawa si Andrea.

Hulyo ngayong 2021 nila ginawa ang BetCin at kakahiwalay lamang noon nina Kylie at mister nitong si Aljur Abrenica. At noong mga panahong iyon ay ganap namang naka-move on na si Andrea sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay.

Humingi ba o binigyan ba niya ng payo si Kylie kung paano mabilis na maka-move on?

“Hindi naman. Noong dumating siya, parang nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan. Kasi parang strong woman siya talaga.”

Ten years ago ay nagkatrabaho sila ni Kylie sa Blusang Itim ng GMA.

“Natutuwa ako sa kanya kasi siyempre, noong nakasama ko siya sa soap, saglit lang. Tapos nakikita ko siya ngayong magkasama kami sa lock-in, maya’t maya talaga siyang tumatawag sa mga kids niya.

“Hands-on talaga siya and she came prepared.”

Pareho sila ni Kylie na naka-focus, during their lock in taping ng BetCin, sa kanilang mga karakter bilang si Beth (Kylie) at si Cindy (Andrea).

“Okay na okay talaga siya. Ang gaan niyang kasama. Laging nakangiti, ang daling patawanin. 

“Wala siyang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya. Parang ang gusto niya, yung emotion talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Wilbert Tolentino PCU

Wilbert Tolentino gumradweyt sa edad 50: It’s never too late to learn

WALANG pinipiling edad ang edukasyon. Ito ang pinatunayan ng influencer, businessman, at talent manager na …

Batch 86 V Mapa High School Inter Batch Basketball League 2026

Batch 86 kalahok sa V. Mapa High School Inter Batch Basketball League 2026

MATABILni John Fontanilla NAGSIMULA na ang V. Mapa High School Inter Batch Basketball League noong …

Divine Aucina Adam Budnik

Komedyanteng si Devine ikinasal sa AFAM partner Adam Budnik

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na ang komedyanteng si Divine Aucina sa kanyang Filipino American partner na si Adam …

 Joel Lamangan All About Her

Quinn Carillo may bwelta sa hugot ni Alvin Aragon: don’t blame our clothes for your poor upbringing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINALUNGAT ng mga bida ng All About Her, entry ng 3:16 Media Network ni Ms. …

Jo-Ann Maglipon Ricky Lee

Jo-Ann Maglipon inilunsad SINE. PELIKULA. FILM; Ricky Lee inintriga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ALIW na aliw ang karamihan sa mga dumalo sa paglulunsad ng SINE. …